Ang Sining ng Pagboboses

Ang Sining ng Pagboboses  "An artist must not have a trademark because you are contributing your part to the craft." -Mr. Jo...

Ang Sining ng Pagboboses 


"An artist must not have a trademark because you are contributing your part to the craft." -Mr. Jose "Joonee" Gamboa, Jr. 




   Ang Creativoices Productions ang nangungunang online voice services company sa bansa. Mula 2005, nakabuo na ito ng libo-libong radio/TV/online commercials, animation, telephony systems, websites, audio-video presentations, video games, audiobooks, podcasts, instructional vidoes, e-learning materials at marami pang iba, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. 

   Itinatag ang Creativoices Productions ng tanyag na voice artist ng Pilipinas na si Mr. Pocholo Gonzales o mas kilala sa tawag na "The VoiceMaster". Dahil sa sama-samang pagsusumikap ng mga bumubuo sa kompanya, hindi maitatangging ang Creativoices Productions ay ang nangunguna world-class voiceover company sa bansa. Nilalayon ng Creativoices na maghulma ng mahuhusay na voice artist na mag-aangat sa antas ng voice acting bilang isang sining at hindi lang basta isang trabaho. Sa ganitong paraan, maaaring makamit ng Pilipinas ang pagiging sentro ng kahusayan ng pagvo-voiceover sa buong Asya. 

    Pinatunayan ni Jose Gamboa Jr. ang kahalagahan ng voice acting bilang isang sining. Siya ay mas kilala sa pangalang Joonee Gamboa, isang beteranong aktor at voice actor sa bansa. Bago ang kanyang pagsabak sa industriya ng voice acting, naging bahagi muna ito ng radyo at teyatro. Sa pagkakahilig sa teyatro, ninais niyang lumipat sa kursong Speech and Drama mula sa MA English. Gayunpaman, wala pang ganitong kurso sa UP Diliman noong panahong iyon. Ito ang nagtulak sa kanya at sa kasamahang si Lino Brocka (na isa sa mga tanyag at mahuhusay na direktor sa bansa) na mag-dropped out upang hanapin ang sariling kagustuhan sa labas ng Unibersidad. 

      Taong 1959, nang maging bahagi si Joonee ng radyo. Naging panandalian lamang ang trabahong iyon sa kanya sapagkat pagkalipas ng isang taon ay iniwan niya ang pagiging radio announcer. Matapos nito, samo't saring oportunidad ang sumalubong kay Jonnee. Dahil sa dami ng boses na kaya niyang gayahin tulad ng boses nina Winston Churchill, General Richway, President Eisenshower, Frank Sinatra, atbp., napahanga niya ang mga tagapamahala sa isang production house sa pamumuno ni Minyong Ordoñez. Ito ay naging hudyat sa pagsabak ni Joonee Gamboa sa industriya ng voice acting bagamat ayon sa kanya, voice industry pa lamang at hindi voice acting ang pinasok niya nang panahong iyon. Dagdag pa niya, ito ay voice industry sapagkat mga narrations at commericals ang naging sentro ng kanyang pagboboses. 


-Karanasan ang Ugat ng Tagumpay-

    Dahil walang kakayahang gumastos para sa workshops, natuto si Joonee sa sariling kakayahan. Gayunpaman, hindi ito naging madali para sa kanya. "It was so difficult that it taught me the value of working hard. So it-- I got used to, if you give me something I will work hard to death," ayon kay Joonee. Dagdag pa niya, hinuhulaan lang niya kung tama ba o mali ang kanyang ginagawa. Sa kabilang banda, naniniwala siya na ang self-training ang nagturo sa kanyang maging orig. Naniniwala siyang hindi tayo dapat makilala bilang miyembro ng isang grupo kundi sa sarili mong kakayahan. Ang paniniwalang ito ang nagtulak sa kanya na lumipat mag-isa sa isang apartment sa Mandaluyong. Aniya, kung minsan ay iniisip na ng mga kapitbahay niya na siya ay nasisiraan ng bait dahil naririnig itong umiyak, tatawa, magagalit at tatayo ng pabaliktad. Dahil dito, mas nahasa niya pa ang sarili sa pagvo-voice acting. Ayon sa kanya, isang amerikano ang nagkomento sa kanya ng, "When you speak, you have no country," alinsunod sa pagkakaroon niya ng neutral sound na hindi tutulad sa anumang accent. Naniniwala siya na isang malaking responsibilidad para sa ating mga Pilipino ang pagbutihin at kung maaari, gawing perpekto ang pagbibigkas upang magawang makipagsabayan at makilala sa ibang bansa. 

Ayon kay Joonee, "It's just that you have to have a strong sense of responsibility to do an accepted task to perfection." Aniya, kung tunay na pinahahalagahan ng ilan sa mga voice artist ang industriya, hindi dapat sila dadating sa isang trabaho at sasalang na agad sa pag-rerecord. Natutunan ni Joonee na dapat pag-aralan ang bawat ibinibigay na trabaho at hindi tanggap lang nang tanggap para lang kumita.


     Mensahe ng Isang Batikan na Talent Dahil sa naging mga karanasan ni Joonee Gamboa para maabot ang tagumpay na kanyang tinatamasa sa kasalukuyan, nagbigay siya ng mensahe para sa mga nagnanais na mapabilang sa industriya ng pagvo-voice acting, "Work hard. It's not easy. It's not easy to get to where some of us are. There's so much work that goes into it. There's your speech mechanism to work on, there's your voice to work on, there's your breathing facility to work on. Then, there is your feelings to work on... At lahat ito, kung maaari, dapat you should train to perfection." Binigyan niya ng diin ang paulit-ulit na pag-eensayo para mapabuti ang potensyal at kakayahan bilang nagnanais na maging voice artist. Dagdag pa niya, responsibilidad na tulungan ng mga voice artists 'yung mga gustong maglahad ng mensahe at ilitaw ang mensahe nang malinaw at sinsero. Nangangarap si Joonee na mas dumami ang practioners na talagang pinag-aralan ang kanilang ginagawa. Aniya "Sana pagbutihan nila para dumating ang panahon na mas maraming sektor sa ating lipunan na makita ang kahalagahan ng mga voicing artists para mailahad ang kanilang mga mensahe."Mahalaga rin para kay Joonee na maging maalam sa iba't ibang salita ang isang voice artist para maraming nasasakop ang industriya. Higit pa sa pagiging voiceover company, kinikilala ang Creativevoices Productions sa pagiging tahanan ng una at nag-iisang voice acting school sa bansa, ang Philippine Center for Voice Acting. Sa loob ng higit isang dekadang pagpapanday sa mga nagnanais matuto ng sining ng pagvo-voice acting, nakalikha na ito ng higit 1,000 graduates, daan-daan sa kanila ay aktibong nagsusumikap sa kanilang karera bilang dubbers, voiceovers, hosts, broadcasters o kahit public speakers.


COMMENTS

Name

Animation,1,computer game,1,Dubbing,1,Dubbing Workshop,2,facebook,1,Jobs,1,Manila,2,Philippines,3,Seminar,2,voice,1,voice acting,3,Voice Artist,2,Workshop,3,
ltr
item
Voice Acting Philippines: Ang Sining ng Pagboboses
Ang Sining ng Pagboboses
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgmYqigx2ObXwGfKnF9XGdEGXMuQacBJa3qNeY8a3q7Qe_kLHfS3qXw9F8tV19E9Z_SzTxW1liTlerZlC7YuqiD9RXi3sYS9c5iM_qj8HAs7MgT28znSf-gElvR8aGT7sDSst66Xc7eYGZq/s640/1.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgmYqigx2ObXwGfKnF9XGdEGXMuQacBJa3qNeY8a3q7Qe_kLHfS3qXw9F8tV19E9Z_SzTxW1liTlerZlC7YuqiD9RXi3sYS9c5iM_qj8HAs7MgT28znSf-gElvR8aGT7sDSst66Xc7eYGZq/s72-c/1.jpg
Voice Acting Philippines
http://voiceacting.blogspot.com/2018/02/ang-sining-ng-pagboboses.html
http://voiceacting.blogspot.com/
http://voiceacting.blogspot.com/
http://voiceacting.blogspot.com/2018/02/ang-sining-ng-pagboboses.html
true
9167762238638201848
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy